Let go, learn, live and love again!

confession of a ‘gastadora’! (very generous no more!)

Isa akong gastadora. Aminado ako dun. Ewan ko ba. hindi ko mapigilan ang sarili ko na gumastos. pero hindi naman ako shopaholic. hindi naman ako nas-stress kung hindi makagastos. ang akin lang… parang ang bilis dumaan ng pera sa akin. One day millionaire to be exact (sabi ni cha at ni nanay). Before sobrang bigat ng loob ko pag wala akong pera. Para ako laging nag wo-worry sa mga gusto kong bilhin. Impulsive din in a way. Yung tipong hindi talaga pinag iisipan kung kailangan o gusto lang bilhin ang isang bagay. Kaya hindi ako nagpupunta ng mall na wala akong pera. Naiinis kasi ako pag nakikita ko yung gusto ko tapos wala ako pambili. Madali din ako mauto pag dating sa libre. Kaya nga sabi ni Cha, very generous daw ako. Tapos pag wala na talaga akong pera nanghihiram na ako. Pero napapansin ko, teka lang pag ako nawawalan ng pera wala ako mahiraman. O kung may manghihiram naman sa akin na kapamilya o kaibigan ng pera wala ako mapahiram kahit gustong gusto ko tulungan. Mahiyain pa man din ako maningil. 

Dati yun. Nung hindi ko pa nababasa yung book na ‘ANG PERANG HINDI BITIN http://www.omflit.com/home/catalog.php?c=8&i=601

Ang perang hindi bitin ay dahil sa pag ka impulsive ko rin kaya ko nabili. Napadaan kasi ako isang beses sa National bookstore tapos nakita ko yung book na ito. For only 50 petot. wow! buy kaagad ako. sinama ko na rin bilhin yung ANG BUHAY NA HINDI BITIN for only 10 petot.

Sobrang ‘enlightened’ ako sa mga nabasa ko. Ang astig ng librong to. Bagay na bagay talaga sa akin. At syempre sa budget ko. Pero alam nyo ba? Binasa ko lang siya for a while lang. Hindi ko pa siya naisabuhay o nagagawa mula nung nabili ko. Adik lang. Ewan ko ba. Parang wala lang binili ko lang siya for the sake of buying it kasi mura. And then, binigay ko sa brother ko yung book na binili ko. Sabi ko sa kanya, ‘basahin mo yan.. maganda yan. Para ma-manage mo yung pera nyo ng maayos’ (nagsalita ang marunong mag budget).

Mga ilang buwan pa ulit para akong nanlulumo na bakit ganun? binasa ko naman yung book. pero hindi pa rin ako free sa mga financial burdens ko? (kasi nga hindi ko talaga siya ginagawa ng buo). Wala lang, budget  budget kuno pero hindi ko nasusunod. Sabi ko sa sarili ko, ay teka lang.. may mali eh.

(Singit na lang to —->) Tapos, isang araw may isang special na tao ang nagtanong sa akin kung kilala ko ba si Francisco Colayco? Gusto nya daw kasi yung book nun. Sabi ko, oo. Habang nag uusap kami kung paano niya binubudget ang sweldo niya. (Nakakatuwa lang kasi na ang galing niya humawak ng pera. budget kung budget talaga.) 

Kaya naman na-inspire ako ulit na bumili ng libro ng ‘ANG PERANG HINDI BITIN’ at bigyan siya. At syempre bumili na rin ako ng kopya ko. Binasa ko nga ulit at i-ta-try ko lang… as in ita-try ko lang kung kaya ko na i-budget ang kinikita ko. At kung masusunod ko yung nasa libro.

Sa ngayon… nagagawa ko na siya. Paunti-unti. As in budgeted na talaga ang pera ko. (may diary pa nga ako ng expenses ko eh) At sinusunod ko talaga. Nagcu-cut na rin ako sa mga unnecessary expenses. Nag iisip din muna ako kung kailangan ko ba yung isang bagay bago ko bilhin. O kung gusto ko lang siya bilhin. Nakakatuwa, alam mo yun? Sobrang relieved ako sa financial burdens ko. Tapos yung mga utang ko na hindi ko pa nababayaran kahit maliit lang eh, nababayaran ko paunti-unti. 

Sabi ko nga dati… kaya ko naman bilhin yung mga bagay na gusto ko eh, dahil may trabaho naman ako. Mayabang ako pag may pera eh (dati). Pero hindi ko pa rin nabibili yung gusto ko noon. Ngayon, sobrang tuwa ko kasi nabili ko na yung 10 years in the making na gitara na gusto kong bilhin. Ayos! at alam kong mabibili ko rin ang mga nasa list ko kung matuto ako mag manage ng pera ko. Hayun, tuwang tuwa ako sa sarili ko. Biruin mo yun? Isang gastadora natutong mag budget ng pera? San ka pa? Sensya na.. wala na nga lang ako panlibre kasi budgeted na pera ko eh. (kuha mo?)

Ang galing din pag sinusunod mo yung tithing. Sinubukan ko lang one time. Ayun doble doble pa yung bumabalik. Kaya naman hindi ko na talaga pinapalagpas ang sweldo ko na hindi ako nakakapag tithes. 

I realized something… hindi mo naman kailangan ng malaking pera o sweldo..kailangan mo lang matutong mag budget at makuntento sa kung magkanong pera ang hawak mo.  

P.S. This is a book review with my own experience as an example.


got my new baby! yeah! \m/

Name: JUNO

Birthday: Dec. 7, 2011

My second guitar! Finally, ten years in the making. =P


11
To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close